Monday, October 26, 2009

may nakalimutan akong ikwento sa inyo. :D

(parang 2nd post ko na to ah. :)) at bakit panay ang tagalog ko?....basa kasi ako ng basa sa blog ni lou-anne at niña,nakakahawa kasi.tiyaka kahit papano mafeel ko presence nila kahit di ko sila makita ngayong sembreak kaya para sa kanila ang pagtatagalog ko. :D )

nung Oct. 22, 2009 ay birthday ni audrey.nagcelebrate kami ng kaibigan. :D at ako ang pasimunu ng lahat,ako ang master mind, ako ang naka-isip, ako ang bossing. :))

eto kasi yun.bago mag 22 ay sinabihan ko sina dawn at paolo na magbigay kami ng cake kay audrey. (birthday kasi yun ni paolo kay ngkita-kita kami sa libro, nilibre pala kami ng kape at cake. :D ) ok na sana ang plano kung nagplano kami,eh kaso hindi kami nagplano ng maayos.

dapat kasi 9 sa umaga kami magkikita-kita para bumili ng cake at pumunta kina audrey para surpise kunwari,kaya lang 9:43 na ako nagising so na move sa hapon ung pagsusurprise namin.

so ayun na 1 kami ngkita sa SHC.si faye lang pumunta pati si yroll rin.iniwan kami ni yroll para maglaro ng saga,binigyan lang kami ng 50 pesos para sa cake. :/ bumili kami ng cake ni faye sa goldilocks na pinalagyan namin ng message na "Heberday Audrey! love you :)" at may candles na 1 at 7 pa! oh di ba nakakatuwa. :D

kaya hayun.nagsimula na ang pagsisinungaling at pagtatago. :)) hindi na namin na punta si audrey sa bahay nila kasi may pinuntahan siya.kaya we did the next best thing!sa libro kami nagsurprise sa kanya, kasabwat kasi namin si paolo kaya ok lang. :D

pinuntahan ni faye si audrey sa christina's at stinall niya si audrey, habang ako naman ay naghihintay sa iba kasama si paolo.hinintay namin si dawn kasi akala ko di aabot si patrick.ang tagal ni dawn naligo pa kasi ang gago. :))

dumating si dawn.sinabihan ko na si faye na pumunta na sila sa libro.tapos ayun na dumating na sila.saktong-sakto dumating din si patrick!ayus ng timing niya. :D na surprise nga si audrey,at successful ang pagplano namin, she didn't suspect a thing. :D

sayang nga lang eh wala akong pictures.andon kay faye lahat eh. :P at si faye bagong gupit nun,ayus buhok niya bagay sa kanya. :D

No comments: